Lunes, Hunyo 10, 2013

Tortang Shawarma

Ang Shawarma, Bow!

Puki ng inang shawarma yan, napaka-pino ng pagkakatadtad ng karne, daig pa ang giniling! Bakit hindi nalang corned beef ang ilagay nila sa pita bread no?! Tapos yung pita bread, pupunuin ng sibuyas, kamatis at pipino, at lalagyan ng gakurot na karne. Sino bang matutuwa dyan!!

Ganito dapat ang shawarma! (Thanks kung sino man nag-upload ng pic na to)

Mahilig ako sa shawarma, pero bakit ako magbabayad ng P55.00 sa sibuyas at kamatis lang? Pati shawarma rice, parang dalawang kutsaritang karne lang ang nilalagay! Sobrang tinitipid ng mga putanginang nagtitinda yung karne! Bilang na bilang nila yung mga butil na inilalagay nila sa shawarma mo.. minsan nga, nasa loob na ng pita bread, ibinabalik pa nila sa tray dahil parang nararamihan sila sa naibigay nila. Kaya ayokong bibili sa mga balasubas na food carts na yan eh, palibhasa gusto makarami ng benta ng hindi agad nauubos ang beef. 

Katulad din ng mga ibang food carts: yung usong usong buko shake, ang nilalagay na buko at gatas ng hinayupak, meron ngang measuring cup, tinatantsa pa rin nila. minsan kulang pa sa kalahati. Ayun, mas matino pang bumili ng ice candy o ice buko, limang piso lang masaya kana. Yung french fries, kunwari pang may weighing scale, pero tinatantsa lang naman din nila. OK, masyadong off topic. Gawa nalang ako ng isang post para dyan.

Meron naman, instead na pure beef ang gamitin, karne ng kalabaw daw ang ginagamit.. malalaman mo talaga sa amoy at lasa, it's either lumang luma na ang karne ng baka, or karne ng kalabaw ang ginamit nila. Maanggo! Usually, yung nakikita nyo na tumpok ng karne na pinapaikot ay tumatagal ng isa, o dalawang linggo. Depende kung maraming bumibili o kung masyadong tinitipid yung meat.

Meron ako nakainan dati ng shawarma, P35 lang ang large, may cheese pa, at madami rin ang laman.. doon sa parang talipapa pagbaba ng Boni station.. Ewan ko lang kung nandoon pa yun.. Last time I checked kasi, parang wala na. Nalugi kaya? Sayang! Masarap yung shawarma, nirerequest ko na bigyan ako nung may taba, at litid.. Masarap kasi nguyain, kahit mangawit pa ang panga ko.

At dahil hindi na ako bumibili sa mga food cart at mga stall sa mall dahil sa dahilan na yun. Pero may exception. Yung Turks Shawarma, meron nito sa Megamall at MOA. Meron silang all meat shawarma.  Hindi pwede na masyadong kaunti ang laman dahil kelangan nila mapuno kahit papano yung pita bread. At dahil all meat, wala nang epal na gulay at puro beef lang ang malalasahan mo.


Ganito ang shawarma sa Trimo Shawarma

Marami naman din masarap na shawarma dito, kaso, hindi sila mga stall, parang fastfood/restaurant type. Malapit lang sa office namin yung Jacob's Shawarma. Masarap yung shawarma nila, parang authentic dahil yung turkish na may ari ang nagtitimpla at nagmamarinade ng shawarma. Nasa budget din. Around 200 pesos, meron ka nang 12" beef and/or lamb shawarma! Hindi tipid sa karne.

The best yung Trimo Shawarma Co.! Sarap dun! Bukod sa shawarma, marami pa silang pagkain, barbecue, isaw, etc.. pagkatapos ng biggest loser dito sa office, uubusin ko perang napanalunan ko dun!! 


http://www.facebook.com/trimoshawarma

Sayang din yung Kebab Factory sa Megamall!! Nagsara na! 

Dahil sa frustration ko sa mga putang inang nagtitinda ng shawarma na daig pa ang nagbubudbod ng asin sa pagbudbod ng karne ng shawarma, sinubukan ko i-research kung paano gumawa ng shawarma. Madali lang pala. At sa pag-eexperimento, nakagawa ako ng sarili kong recipe


Ingredients:

  • 1 kg beef


Marinade:

  • 1 cup yogurt
  • Juice from 1 Lemon
  • 4 cloves garlic, finely minced
  • 2 onions, finely chopped
  • 2 tbsp vinegar
  • all spice
  • pepper
  • chili powder
  • salt


Sauce:

  • 2 cups yogurt
  • 1 tbsp sesame oil
  • Juice from 1/2 lemon
  • 2 cloves garlic
  • chili powder
  • 1 tbsp olive oil

Fillings:

  • Pita Bread
  • Sliced onions
  • Sliced Tomato
  • Sliced Cubumber


Karne:
1. Para sa akin, mas masarap yung bandang tadyang, yung may taba at litid. Hiwain ang karne ng manipis na manipis.
2. Paghalu-haluin ang ingredients ng marinade at ibabad ang karne ng magdamag. Mas masarap kung dalawang araw nakababad. Nasasayo kung dadamihan mo ang ain at mga spices.
3. Iprito, o i-turbo broiler yung karne, Kung meron kang panluto ng shawarma, mas ok yun, pero matagal.

Sauce:
1. Paghaluhaluin sa blender ang ingredients ng sauce.
2. Timplahan ng ayon sa gusto mong anghang.
3. Iblender hanggang maging consistent ang pagkakahalo.

Pagkaluto ng karne, pwede mo nang tadtarin ang karne ng baka, at ibalot sa pita bread kasama ng gulay at lagyan ng sauce, tulad ng ginagawa ng mga nagtitinda ng shawarma.

Balak ko rin magpagawa ng lutuan ng shawarma, de-uling. Ewan ko lang kung gagana.
Eto ang design:


Wag pintasan, improvised lang yan!

Kung balak nyo gawin, pm me! ibibigay ko yung plan. Haha!

Wala na akong masabi! Isa ang shawarma sa mga paborito ko! Masarap kainin, nasa pita man o rice. Yun nga lang, badtrip yung ibang nagtitinda!

Martes, Hunyo 4, 2013

We Chat??

Sa cellphone ko palang, 14 na ang nakainstall na chat clients. Kanya kanya ng features, pero halos pare pareho lang.

  1. Yahoo Messenger
  2. What's App
  3. Skype
  4. Line
  5. Viber
  6. Kakao Talk
  7. Hangouts (dating Gtalk)
  8. Chat On (Samsung ang telepono ko)
  9. Google+ Messenger
  10. Tango
  11. Facebook Messenger
  12. WeChat
  13. Chikka
  14. Go SMS


Iba't ibang applications, iba't ibang ka-chat. Minsan naman din, sila sila din ang ka-chat ko.

Noon, Yahoo Messenger at mIRC lang sa aking computer, solve na ako. Napupuyat ako gabi gabi para lang makipagchat sa kung sino sinong tao. 

1st year college ako noon nung una kong gamiting ang mIRC. Natutunan ko ito sa aking ex na itago natin sa pangalang Jesrie (may ipopost ako tungkol dito sa babaeng ito.) So, mIRC. simpleng simple ang interface. Simpleng simple ang pakikipag-chat.

Parang ganito ako ka-adik noon sa mIRC

Naadik ako sa pakikipag-chat sa mIRC. Umaga, gabi, pag walang pasok, at talagang umuupa pa ako sa computer shop para mag-mIRC lang. Minsan sinasabay ko ito sa aking paglalaro ng Ragnarok, kasabay din ng yahoo messenger (with internet radio pa nun), kasabay din ng pag-fifriendster. 

Kapag may naka-chat ako sa mIRC, itatanong ko agad ang NASL -- Name, Age, Sex, Location. Ang style ko, pinauuna ko sila magsabi ng kanilang NASL para malaman ko kung itutuloy ko pa bang ichat sila o hindi. 16 palang ako nun. Batang bata nag-college. Ang Ideal age ko na ichat ay 15-21 years old lang. Pag matanda na, di ko na pag-iinteresan.

Sa mIRC, may tinatawag na network at channels. Ako ay napadpad sa DALnet dahil hindi ko naman dati alam kung ano yun, basta connect lang ng connect. Madalas din ako tumambay sa mga channel ng mga lugar, tulad ng #manila, #bulacan, #cavite, #qc, etc.. Pati na rin ng mga school: #ust, #lasalle, #mapua, #plm, #feu at marami pang iba. Nakarating pa nga ako sa mga channels na hindi dapat pinupuntahan ng mga dies y sais anyos na bata kung saan ko natutunan ang mga acronyms na SOC at SEB.

Nakakamiss ang dating friendster...

Ang dami dami kong friends sa friendster noon dahil lahat ng mga babaeng nakakachat ko ay inaadd ko sa friendster para maconfirm kung babae ba tlaga sila. At kailangan marami silang picture dun para mapatunayan ko na hindi sila poser, o yung nagpapanggap lang na babae.

Sa mga nakachat ko na na-add ko na sa friendster, marami na rin akong hiningan ng number, nakatext, nakatawagan, naka-EB, at naka SEB (if you know what i mean! hahaha). 

Yung una ko, pinuntahan ko pa sa UPLB para lang alam nyo na! UP Fair noon, nanuod pa kami ng sine sa isang maliit na mall sa Sta. Cruz, at umuwi sa kanilang dorm para ituloy ang makamundong gawain.

Paano na kapag siya ang naka-SEB mo?

Dalawang taon ko rin ginamit ang mIRC hanggang nagsawa na ako dito. Ngunit nananatili pa ring gamit na gamit ang Yahoo Messenger. Sa Yahoo Messenger kasi, nandun ang mga kakilala ko talaga, tulad ng mga classmates at kabarkada ko.

Ewan ko ba kung bakit mahilig ako makipag chat. Kahit sa Ragnarok (Online RPG), kaysa magpa-level, inuuna ko pa makipagchat, syempre tinitignan ko muna kung chiksilog. Katunayan, sa Ragnarok ko nga nakilala ang isa sa pinakamalupit kong girlfriend. Malupit as in super hot, 35-26-35, maputi, chinita at nag-aaral sa UST. Jackpot! Idedetalye ko ang kwento ko tungkol sa kanya sa mga susunod na post, itatago ko sya sa pangalang Amy.

Back ulit sa chat. Fast forward tayo nung 2005 na bumili ako ng Sun Cellular na sim. Syempre, unli text, unli call. Isinali ako ng kaibigan ko sa isang "clan" ng mga tiga-Pampangga. Although hindi ito tulad ng chat sa computer, maituturing itong chat dahil panay ang palitan ng mensahe (dito nga yata nauso ang pagiging Jejemon ng mga texters eh..), at kadalasan, ipapadala mo ang mensahe sa lahat ng miyembro ng clan,  hence tinawag nilang GM (general or group message). Enjoy yung una kong clan, text dito, text doon.. Ligaw dito, ligaw doon.. SOT/SOP dito, SOP/SOT doon.. SEB dito, SEB doon.. Ayos diba?  Nakinabang na naman ako! May detalyado akong kwento sa mga ganitong adventures sa mga susunod kong post. kaya tunghayan nyo. 

Sabi sa inyo eh, sa mga Text Clan isinilang ang mga Jejemon!


Yun kaya ang dahilan kung bakit mahilig ako sa chat? Dahil natutunan ko kung paano mang-hookup sa papamagitan lang ng pagpapadala ng mensahe at chat? Hahaha. Sa talambuhay ko, di ko na mabilang kung ilang clan ang nasalihan ko, lalo na nung mauso yung unlitxt sa globe. Ganun din, bawat clan na sinalihan ko, may iba't ibang chicks din na nakikilala, at nakakama! Hahaha, kaya sa isang hiwalay na post ko talaga ito ilalagay para hindi ma-off topic.

Ngayon, dahil nauso ang mga smartphones, marami na rin ang mga chat applications, tulad ng mga nilista ko sa umpisa ng aking post. 

Ano ba ang naidudulot nitong mga chat apps na ito at meron pang commercial itong Line at WeChat sa TV? Ito ba ay para paglapitin ang mga magkakalayong kaibigan, magkasintahan, magkapamilya, at ano pang relasyon ang meron? Papaano naman yung mga hindi pa magkakilala? 

Sa facebook, pwede mo i-add ang hindi mo pa kilala at doon na rin kayo magchachat maglalandian, mamumuo ang relasyon, lalabas, gagawa ng kababalaghan, mabubuntis ung babae, magkakaanak ng maaga.

Eto ang paborito ko! WeChat at Line! Sinubukan ko itong Wechat na ito. Meron itong features tulad ng Look Around at Shake, kaya din nito gawing contacts ang mga friends mo sa facebook na hindi mo naman kilala, basta may WeChat din sila. 

Pinadali ang aking buhay! Yung mga chicks sa facebook na dating hindi ako pinapansin sa chat, eto, mga kalandian ko na. Lalo na yung "Look Around" -- makikita mo ang chicks na malapit sa lugar mo.. MALAPIT SA LUGAR MO.. Pwede mo agad sunduin at ayain makipag-meet, makipag-meat! Ayos! Nakatatlo na nga ako, sa Fairview palang. hahaha!

Mga miss, ano po ang WeChat ID nyo? Add ko kayo!! 

Yung "Shake" naman, kalog ka lang ng phone, pag may nagkataon na may nagkakalog din, pwede na kayong mag-usap. Perfect to sa mga bored. Kalog ka lang, may machachambahan ka nang chicks na bored din, kumakalog eh, ibig sabihin naghahanap yun ng kausap, kakwentuhan, kahook-up at hanggang saan pa marating ng imahinasyon mo.

Ayos din eh no? Pero, napansin ko simula pa lang nung mIRC. Bakit mayroong discrimination at prejudice. Bakit kailangan munang malaman ang NASL, bakit kailangan munang makita ang picture sa friendster, sa facebook, o sa mismong profile mo sa WeChat, sa BBM, o kung ano mang client ang gamit mo?

Bakit kapag pangit ka sa picture mo, di ka na rereplyan? Gawain ko to! Pag pangit, di ko i-aadd, pag chicks, add agad, landi agad. Nakakasakit diba minsan, lalo na pag ikaw ang nag-add, tapos hindi tinanggap, o kaya inadd ka nga, dedma naman. Sa facebook, 200 friends online, pero i-chat mo silang lahat di ka papansinin... Unless gwapo/maganda ka (or yung profile pic mo ang gwapo/maganda after 10 photoshop sessions). Unless, yung picture mo, nakasandal ka sa BMW na di naman nila alam kung pag-aari mo talaga or nakita mo lang nakapark, nagpapicture ka na.

Sino sa kanila ang itetext at ichachat mo? Kelangan pa bang mamili?

Bakit kahit intersante kang makipag-usap, minsan dededmahin ka pa rin? At yung pogi/chicks na puro kabobohan at pa-cute ang sinasabi, laging nililike, nirereplyan?

Kung nilikha ang mga social technologies na ito para makapagsocialize ang mga tao, bakit ginagamit ito para makapangdiscriminate at makapagpababa ng tao? Bakit ginagamit ito sa ibang paraan na maaaring makapahamak?


Wizard's Second Rule: "The greatest harm can result from the best intentions." 

-Terry Goodkind, Stone of Tears: Chapter 63, page 886