Lunes, Hunyo 10, 2013

Tortang Shawarma

Ang Shawarma, Bow!

Puki ng inang shawarma yan, napaka-pino ng pagkakatadtad ng karne, daig pa ang giniling! Bakit hindi nalang corned beef ang ilagay nila sa pita bread no?! Tapos yung pita bread, pupunuin ng sibuyas, kamatis at pipino, at lalagyan ng gakurot na karne. Sino bang matutuwa dyan!!

Ganito dapat ang shawarma! (Thanks kung sino man nag-upload ng pic na to)

Mahilig ako sa shawarma, pero bakit ako magbabayad ng P55.00 sa sibuyas at kamatis lang? Pati shawarma rice, parang dalawang kutsaritang karne lang ang nilalagay! Sobrang tinitipid ng mga putanginang nagtitinda yung karne! Bilang na bilang nila yung mga butil na inilalagay nila sa shawarma mo.. minsan nga, nasa loob na ng pita bread, ibinabalik pa nila sa tray dahil parang nararamihan sila sa naibigay nila. Kaya ayokong bibili sa mga balasubas na food carts na yan eh, palibhasa gusto makarami ng benta ng hindi agad nauubos ang beef. 

Katulad din ng mga ibang food carts: yung usong usong buko shake, ang nilalagay na buko at gatas ng hinayupak, meron ngang measuring cup, tinatantsa pa rin nila. minsan kulang pa sa kalahati. Ayun, mas matino pang bumili ng ice candy o ice buko, limang piso lang masaya kana. Yung french fries, kunwari pang may weighing scale, pero tinatantsa lang naman din nila. OK, masyadong off topic. Gawa nalang ako ng isang post para dyan.

Meron naman, instead na pure beef ang gamitin, karne ng kalabaw daw ang ginagamit.. malalaman mo talaga sa amoy at lasa, it's either lumang luma na ang karne ng baka, or karne ng kalabaw ang ginamit nila. Maanggo! Usually, yung nakikita nyo na tumpok ng karne na pinapaikot ay tumatagal ng isa, o dalawang linggo. Depende kung maraming bumibili o kung masyadong tinitipid yung meat.

Meron ako nakainan dati ng shawarma, P35 lang ang large, may cheese pa, at madami rin ang laman.. doon sa parang talipapa pagbaba ng Boni station.. Ewan ko lang kung nandoon pa yun.. Last time I checked kasi, parang wala na. Nalugi kaya? Sayang! Masarap yung shawarma, nirerequest ko na bigyan ako nung may taba, at litid.. Masarap kasi nguyain, kahit mangawit pa ang panga ko.

At dahil hindi na ako bumibili sa mga food cart at mga stall sa mall dahil sa dahilan na yun. Pero may exception. Yung Turks Shawarma, meron nito sa Megamall at MOA. Meron silang all meat shawarma.  Hindi pwede na masyadong kaunti ang laman dahil kelangan nila mapuno kahit papano yung pita bread. At dahil all meat, wala nang epal na gulay at puro beef lang ang malalasahan mo.


Ganito ang shawarma sa Trimo Shawarma

Marami naman din masarap na shawarma dito, kaso, hindi sila mga stall, parang fastfood/restaurant type. Malapit lang sa office namin yung Jacob's Shawarma. Masarap yung shawarma nila, parang authentic dahil yung turkish na may ari ang nagtitimpla at nagmamarinade ng shawarma. Nasa budget din. Around 200 pesos, meron ka nang 12" beef and/or lamb shawarma! Hindi tipid sa karne.

The best yung Trimo Shawarma Co.! Sarap dun! Bukod sa shawarma, marami pa silang pagkain, barbecue, isaw, etc.. pagkatapos ng biggest loser dito sa office, uubusin ko perang napanalunan ko dun!! 


http://www.facebook.com/trimoshawarma

Sayang din yung Kebab Factory sa Megamall!! Nagsara na! 

Dahil sa frustration ko sa mga putang inang nagtitinda ng shawarma na daig pa ang nagbubudbod ng asin sa pagbudbod ng karne ng shawarma, sinubukan ko i-research kung paano gumawa ng shawarma. Madali lang pala. At sa pag-eexperimento, nakagawa ako ng sarili kong recipe


Ingredients:

  • 1 kg beef


Marinade:

  • 1 cup yogurt
  • Juice from 1 Lemon
  • 4 cloves garlic, finely minced
  • 2 onions, finely chopped
  • 2 tbsp vinegar
  • all spice
  • pepper
  • chili powder
  • salt


Sauce:

  • 2 cups yogurt
  • 1 tbsp sesame oil
  • Juice from 1/2 lemon
  • 2 cloves garlic
  • chili powder
  • 1 tbsp olive oil

Fillings:

  • Pita Bread
  • Sliced onions
  • Sliced Tomato
  • Sliced Cubumber


Karne:
1. Para sa akin, mas masarap yung bandang tadyang, yung may taba at litid. Hiwain ang karne ng manipis na manipis.
2. Paghalu-haluin ang ingredients ng marinade at ibabad ang karne ng magdamag. Mas masarap kung dalawang araw nakababad. Nasasayo kung dadamihan mo ang ain at mga spices.
3. Iprito, o i-turbo broiler yung karne, Kung meron kang panluto ng shawarma, mas ok yun, pero matagal.

Sauce:
1. Paghaluhaluin sa blender ang ingredients ng sauce.
2. Timplahan ng ayon sa gusto mong anghang.
3. Iblender hanggang maging consistent ang pagkakahalo.

Pagkaluto ng karne, pwede mo nang tadtarin ang karne ng baka, at ibalot sa pita bread kasama ng gulay at lagyan ng sauce, tulad ng ginagawa ng mga nagtitinda ng shawarma.

Balak ko rin magpagawa ng lutuan ng shawarma, de-uling. Ewan ko lang kung gagana.
Eto ang design:


Wag pintasan, improvised lang yan!

Kung balak nyo gawin, pm me! ibibigay ko yung plan. Haha!

Wala na akong masabi! Isa ang shawarma sa mga paborito ko! Masarap kainin, nasa pita man o rice. Yun nga lang, badtrip yung ibang nagtitinda!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento